Fat Facts

Kung paniniwalaan at isasapuso ko ang dalawang articles na nabasa ko kamakailan tungkol sa resulta ng mga bagong pananaliksik tungkol sa taba, ngayon pa lang ay mananakbo na ako sa grocery at mamimili ng sandamakmak na butter, steak, whole milk, red meat at ang paborito kong bacon. Bakit? Dahil di daw dapat tayo matakot kumain ng taba. Yan ang sinasabi ng June 23, 2014 na cover story ng Time Magazne na pinamagatang “Don’t Blame Fat” at halos yan din ang tumbok ng May 31 article ng The Economist na mayroong review tungkol sa  librong “The Big Fat Surprise: Why Butter, Milk and Cheese Belong in a Healthy Diet” na sinulat ni Nina Teicholz. Sa parehong articles, ipinaliwanag ng mga manunulat ng nasabing mga sikat na magazine na ang mga pagkaing aking nabanggit ay hindi ang siyang nagiging dahilan kung bakit tayo tumataba at nagkakroon ng sakit sa puso, diabetes, cancer, high blood at kung ano-ano pang sakit.  Sa totoo lang daw, kaibigan natin ang mga pagkaing ito at hindi kaaway.

Ang totoo raw kaaway ng ating katawan ay asukal. Yung mga pagkaing matatamis. Yung mayaman sa carbohydrates gaya ng kanin, pasta at tinapay. Sila raw ang dapat nating iwasan. Bakit? Dahil yung ating hormone na insulin, yun ang tumataas kapag kumain tayo ng mga pagkain na mayaman sa carbs. Yun ang nakapagdudulot ng maraming sakit.

Parang nahihirapan akong paniwalaan ito dahil kamakailan lang, nabalitaan ko nga na may mga bansa na raw na nag-iisip ng maglagay ng warning signs sa mga produkto gaya ng butter at bacon. Gaya ng sigarilyo, lalagyan na rin nila ang mga nasabing pagkain ng tarheta na may nakasulat na “Eating this product is dangerous to your health.”

So bakit nagkaganoon? Anong nangyari? Ayon sa article sa The Economist, nung early `60s daw, nagkaroon talaga ng matinding paglason sa utak ng mga tao hinggil sa diumanoy masamang epekto ng fat o taba sa katawan. Na-vilify o na-demonize ang taba, sabi nung nag-review ng libro ni Teicholz. Nagsimula ito ng inilabas ni Dr. Ancel Keys ng University of MInnesota ang resulta ng kanyang mga pag-aaral na nagsasabing masama ang taba sa katawan. Pero nito raw nakaraang ilang taon, marami na ring scientist ang nagduda sa paniniwalang ang tunay na kaaway natin ay taba. Bakit kanyo? Kasi noon daw kasagsagan ng mga diet fads nung `80s kung saan binawasan talaga ng mga health freaks ang taba sa kanilang diet, mas tumaas pa raw ang incidence ng heart attacks.

Maraming mga scientific explanations ang inihayag sa dalawang articles na tumutumbok sa diumano’y kakulangan ng matibay na ebidensya na nagsasabing masama talaga sa katawan ang taba. Sa katunayan, kung pagbabasehan daw ang mga bansang gaya ng France at Germany, kaduda-duda ang mga results ng mga pag-aaral ni Keys dahil sa mga bansang ito, matataas ang taglay na fats ng mga pagkain ng mga French at Germans. Pero sa kabila nito, mababa pa rin daw ang heart disease rate sa mga bansang ito.

Pero sinabi rin naman ng manunulat ng Time na si Bryan Walsh na di naman daw nangangahulugan na kailangan na nating magpista sa mga matatabang pagkain araw-araw.

Inaamin kong matapos kong mabasa ang mga articles na ito, mas lalo akong nalito at natuliro. Ang dami na kasing impormasyon na magkakataliwas. Di ko na malaman kung ano ang susundin. Sinagot din ito sa dulo ng Time article ng isulat ni Walsh na “the cold hard truth is that the only way to eat well is to eat well.”

E ano nga yung “eat well?” tanong ko sa trainer ko sa gym.

“Clean eating. Smart eating,” sagot niya.

Yun din naman pala ang tumbok ng lahat. Balanse lang. Kumabaga sa temperature, di gaanong malamig, di gaanong mainit.

Maligamgam.

 

 

 

 

 

 

Nai-post sa Uncategorized | Mag-iwan ng puna

Ano Na?

Tinawagan ako nung weekend ng isang kaibigan sa Pinas. Ganito ang naging takbo ng aming konbersasyon.

Friend: Ano na?

Ako: Ano’ng ano na?

Friend: Kumusta ka na?

Ako: Naku sobrang busy. Pasensya ka na.

Friend: Pambihira ka talaga. Di ka sumasagot sa Facebook.  Di ka na nag-t-tweet! Di ka na rin nag-b-blog. Abang ako ng abang!

Ako: Sorry, ang dami kasing trabaho e.

Friend: Sus, echosero! Pero panay naman ang Instagram! At bakit bigla kang na-addict sa Instagram?

Ako: (Natawa) La lang. Kakaaliw pala. Yung blog kasi, pinag-iisipan. Kumakain ng oras lalo na yung act ng pagsusulat. Ang Instagram, instant. Nakakapag-update at kuwento ka sa pamamagitan ng pictures lang.

Friend: Nakanang…pa-epek nito. So ano ng latest sa `yo?

Ako: Busy nga. Wala naman akong ma-u-update sa yo kasi ang boring ng buhay ko, lately.

Friend: Hindi ako naniniwala. Ikaw pa. E kahit saan ka itapon, nagagawa mong interesting ang buhay mo.

Ako: Wag kang masyadong bumilib sa akin kasi tumatanda na ako. 

Friend: Ano ng mga napanood mong sine?

Ako: “Edge of Tomorrow,” “X-Men” “Yves Saint Laurent” at saka “Grace of Monaco”

Friend: Tingnan mo, tingnan mo! Ba’t di mo kinukwento sa akin yan?

Ako: Oy, hindi lahat ng nangyayari sa akin, kelangan mong malaman!

Friend: Huling libro mong binasa?

Ako: “The Fault in Our Stars” ni John Green at “A Million Little Pieces” ni James Frey.

Friend: Namamasyal ka pa rin?

Ako: Lately, di na. Ang kulit mo kasi, busy nga. No time. Pwede mag-email na lang tayo?

Friend: Kainis `to. Miss na nga kita kaya kita tinawagan. Pwede ba kitang bisitahin dyan?

Ako: Oo naman. Pero timbrehan mo ako para makapag-prepare.

Friend: Sige, sige….gusto ko yan.

Na-guilty naman ako sa aking kaibigan kaya ako naman ang nagtanong at nag-usisa sa kanyang buhay. Nang magpaalam na kami sa isa’t-isa, bigla akong na-homesick. Gaanong katagal na nga ba akong di nakakauwi at nakakakapag catch up sa mga kaibigan? Matagal na. Kaya dun sa kaibigan kong nag-request na i-blog ko naman daw ito (pero laking emphasis nya na no mention of names at baka daw siya sumikat), eto na po. Granted na ang iyong request. Sorry for my long silence. Sana sa pamamagitan nito, nakabawi na ako. 

Nai-post sa Uncategorized | Mag-iwan ng puna

Horror sa MRT

Sa gym ko unang narinig ang balita na may naganap daw na patayan sa loob mismo ng train sa MRT Jiangzicui station sa Bannan blue line. Dinadaanan ko ang linyang ito kapag galing akong main station o kaya ay bumisita ako sa St. Christopher church. Noon daw mga 4:32 ng hapon noong Miyerkules, May 21, nag-amok ang isang 21-anyos na estudyante na nagngangalang Cheng Chieh, mag-aaral ng Tunghai University sa Greater Taichung at nakatira sa may Banciao area sa Taipei. Basta na lang daw ito naglabas ng kutsilyo at pinagsasaksak ang mga taong katabi niya. Apat na tao ang namatay at 23 ang sugatan. Nakita ko pa ang live TV coverage ng insidente habang hinahabol nung nag-amok na estudyante ang mga nagtatakbuhang pasahero papalabas ng train.

Pinakagrabeng violent attack daw ito na nangyari simula ng mag-operate ang MRT sa Taipei noong 1996. Araw-araw, ayon sa government statistics, may 1.74 million na pasahero ang sumasakay dito, halos one-fourth ng total population ng pinagsamang Taipei at New Taipei City. Sa mga editorial ng mga pahayagan dito sa Taiwan, dalawang bagay ang idinidiin ng mga social critics. Una, ang kakulangan ng safety measures para ma-protektahan ang mga pasahero ng mga pampublikong transportasyon. Pangalawa, ang kakulangan din ng pagsusuri sa mental health ng mga kabataan ngayon. Tahimik daw na bata itong Cheng Chieh pero mahilig mag-isa. Galing siya sa may kayang pamilya pero hindi raw ito mahilig makipag-socialize at laging nag-iisa. Sobra din ang kanyang obsession sa mga violent combat video games. “When I play and see the characters in the video game being hacked and blood spurting out of them, I get this strange, ecstatic feeling,” yan ang sinabi ni Chieh sa mga pulis nung siya ay ininterrogate matapos niyang gawin ang kahindik-hindik na krimen.

Sa isang artikulo sa Taipei Times tungkol sa psychological profile ni Cheng Chieh, inilahad ng mga pulis na bago maganap ang madugong krimen sa MRT, nagsusulat ng nobela si Chieh tungkol dito–isang first person point of view tungkol sa kung papaano isasagawa ang pagpatay sa mga tao sa train bilang parusa sa mga mamamayan ng mundo. “I have aspired to do something big since I was in elementary school,” kumpisal ni Chieh sa mga pulis.”...I felt that my life was empty, that it was not worth living anymore…However I cannot bring myself to commit suicide, and so if I kill more people, then I will get the death penalty.”

Kagabi, dahil kinailangan kong pumunta sa main station, sumakay ulit ako sa blue line kahit may konting kaba sa aking dibdib at ito ang aking mga napansin. Marami ng mga pulis sa loob at labas ng train. Wala akong nakitang natutulog o naghahalakhakan. Bibihira rin ang nag-te-text o naglalaro ng games sa telepono. Ang lilikot ng mga mata ng pasahero. Parang pinakikiramdaman ng lahat ang bawa’t-isa. Tama ba ang aking na-observe o malikot lang talagang maglaro ang utak ko?

Pinipilit kong kumbinsihin ang aking sarili na isolated case lang ito. Na one out of 3 million ang katulad ng estudyanteng train stabber na may tililing sa utak. Na kahit ano pa ang sabihin, napaka safe pa rin ng Taipei city kumpara sa ibang mga siyudad sa mundo. Pero ang bilis  ng lakad ko pauwi. Gustong-gusto ko na agad makarating sa bahay at magsusi ng pinto.

 

Nai-post sa Taiwan Life | 1 Puna

Auntie Sider

Kaarawan ngayon ng yumao kong tiya. Kung nabubuhay siya, dapat ay 96 years old na siya ngayon.  Bilang pagpupugay at pag-alaala ko sa kanya, ibabahagi ko itong personal essay na sinulat ko may tatlong taon bago siya pumanaw. Dahil sa kanyang edad, hindi na niya ito nabasa. Sana kung nasaan man siya ngayon ay makarating sa kanya ang mensahe ng sanaysay na ito. Simple lang naman yun: lab at miss ko siya. Happy birthday, Dada. Lagi kitang naaalala.

Long before Maricel Soriano was called “Taray Queen” of Philippine movies, my beloved aunt, Isidra “Sider” J. Gutierrez, was already reigning as the supreme icon of sternness in our small neighborhood in Batangas City. Children would fearfully scamper away at the mere sight of her. Relatives would literally shake when she starts arguing with them. And when her voice reaches that angry note, expect deafening silence in the house. Nope, Auntie Sider was not a neighborhood toughie who kills bad men. She simply would slap nephews and nieces who misbehave, wield a sharp bolo at inebriated men who would roughly answer back, and drive other neighbors to tears when her acerbic tongue would start to hurl those famous crisp invectives. “Iaanak pa ang katatakutan ko“, she would often say. If her life would be made into a movie, that famous line of hers would certainly pass for a good title. For Auntie Sider, being a true-blooded Batangueña, never retreats from any fight.

Yes, if her life would be transformed into the big screen, it would be an action-comedy genre — very verbal, kinetic, and a rib-tickler. Those three adjectives might as well give us an idea to her multifaceted and colorful character. For my auntie is an amalgam of words, energy and humor. She talks her mind out, works like a horse, and laughs at herself. The result is a synergy that translates to strength. Today, at 83, that strength continues to sustain her every waking hour. She still does the daily house chores, goes up to Baguio alone twice or thrice a year and is an expert in entertainment gossips.

One morning, as she was getting out of the grocery store, the security guard opened the door for her and courteously said, “thank you, lola.” Auntie Sider was aghast. “Putang ina, dismayado ako“, she told all of us when she came home. “Sasabihin nyang lola na ako eh ni hindi pa ako nagkakaanak? Ngali-ngali kong umbagan.”

At another time when we were in Rustan’s Makati, she was looking at this opulent and expensive Charles Jourdan shoes, when a pretty and friendly saleslady approached her and said: “Can I help you ma’am?” Auntie Sider replied in her thick Batangueña accent,” Magkano ari ineng?” “Six thousand nine hundred fifty ho,” the saleslady politely intoned. My auntie’s eyes suddenly became big, like that of a dog who has spotted its enemy. “Ay sa putang inang `yan! Inyo na `yang sapatos na `yan. Paghihirapin nyo kami.”  The lady, instead of getting angry, giggled quietly.

Now that is what I call colorful character.

She also loves to tell this story. In the late `60s when my mother owned and operated a beauty salon in the heart of Batangas City, my auntie Sider took a shower one afternoon and noticed the lysol liquid disinfectant in the bathroom floor. Knowing that it kills germs, she poured a small amount of lysol in a tabo, and used it like a feminine wash to clean her, uhm, private part. Since she forgot to dilute the concentrated disinfectant, the effect was like that of pouring acid into the skin. Alas, that was what exactly happened. She shouted at the top of her voice and like a wounded horse, jumped and jumped to deaden the pain. My mother’s patrons, of course, were scandalized. When my auntie got out of the bathroom, they asked her what happened and when she told the whole story without missing any detail, everybody burst into peals of laughter. “Masama na ang tinawa ng lahat, lalo na si Bining.” She was referring to a neighbor who like her, is also a spinster. “Pero talagang hirol ako. Masakit ang putang ina.”

Yes, my auntie would say putang ina (son of a bitch) as if she is merely putting a period or comma to every sentence. She could do that and get away with it. But if there were children listening, she would almost always give a warning. “Hoy, mga bata, huwag nyo akong gagayahin, ha? Hayaan nyo na la-ang na ako ang magmura.” In my entire life, I must have heard a million of putang inas from her, up to the point when it didn’t seem to sound like cuss words anymore. Truly, among those kids like me who grew up with her, no one acquired her fixation on that horrible expression.

From her name spawned numerous derivatives. From Isidra, she was called Sider. Her brothers and sisters, on the other hand, would sometimes call her Cinderella, while we, her nephews and nieces, would address her as Auntie Ida. Now, her apos sa pamangkin (grandchildren from her nephews and nieces) call her dada. She is comfortable in all those names, just as she is with her civil status. When people ask her why she didn’t get married, her reply is a standard one: “May pagka-suplada kasi ako noong araw, she would say matter of factly,“Takot ang mga lalaki sa akin,”. There’s no trace of regret in that voice. Just a casual explanation from someone who has accepted her fate, and has become very contented with the choices she made in life. “Kung walanghiya lang ang mapapangasawa ko, mapapatay ko pa `yon kaya mabuti na `yong di na nga ako nag-asawa.”

And true enough, when a married sister of hers went to our house to complain about her marital woes, Auntie Sider began her famous litany: “Ayan na nga ba ang sinasabi ko. Dati rati’y sinasabihan mo pa ako na kesyo walang nanliligaw sa akin. O ngayon, sino sa atin ang kalbaryo ang buhay?” And the poor sister agreed, “Oo nga. Mabuti ka pa.” With arched eyebrows, my auntie just looked at her sister with that stoic expression that seemed to say, guess who’s having the last laugh? Talk about vindication.

Auntie Sider never smiles at pictures. One time when I was helping her organize her photo album, I noticed that she had this standard facial expression — like that of an action star with that serious, stern look. I asked her about this and all that she said was: “Ay sa ganun ako eh, ano’ng magagawa mo?” Anyone who meets her for the first time would say that she is, indeed, stern. But that is only on a surface level. For underneath that stern and abrasive façade is a funny woman with a heart of gold.

Isidra J. Gutierrez was born on May 15, 1918 in Batangas, Batangas (now city). The sixth among the 11 children of Cecilio Gutierrez, Sr. and Marciana Clar de Jesus, Isidra grew up playing with the boys. She effortlessly climbed towering trees, wore a slingshot around her neck, and punched and kicked her playmates. “Lumaki akong tomboy,” she recalls. “Bata pa’y di na ako nagpapaapi.” Because she was extremely naughty, her mother often spanked her with a slipper. One time, the spanking went a little bit too far. She was badly hurt. “Lupaypay ako sa sahig. Pero di ako umiyak. Yung tingin kong `yon sa Inay, ang ginawa ko, pinunit ko yung damit ko. E bagong bago pa naman.Hindi kasi ako makalaban kasi magulang ko `yon, e. E di sa damit ko binuhos ang galit at iyamot ko.” Her mother could not believe when she saw her with torn clothes. She just turned to her husband and said: “Look at her.” Auntie Sider’s father only shook his head and bristled: “I told you, Marciana, she’s going to be a problem.”

Well, she didn’t really grow up to be a problem child. She was simply hyperactive and fought whenever she felt that her personal domain was threatened. During her adolescent years, she discovered the movies and became a movie fan. “Sumusulat kami noon ni Ate Dading kay Fernando Poe, Sr, ” she fondly remembers, “pero hanggang doon lang.” Ate Dading was her elder sister who went to the States right after World War II, and never returned back to the Philippines. Their youngest sister, Maria, is my mother.

After the war, two Americans courted my auntie when she worked as a clerk in an American camp. They happened to be brothers who competed for her attention. “Si George at si Ralph ClarkSabi sa akin ni George, hey Isidra, which do you prefer, to marry an American or a Nigger? Eh alam kong hinuhuli ako. Kaya ang sagot ko, I prefer to marry my own race. Sagot ni George, but I’m not asking for your own race? Nakangiti la-ang ako. Akala nya makakaisa siya.” Both brothers wanted to marry her but it was her lawyer brother, Mario, who dissuaded her from marrying. “Sabi ng Kuya Mario, sige magpakasal ka. Pagkatapos, I-di-divorce ka lang nyanAnon’ng gagawin mo sa Amerika pag nag-iisa ka roon?” Though she was known to be a rebel, she was subservient to her family on things concerning romance and marriage. That’s why she heeded her brother’s advice. She dumped her two American suitors and continued to watch movies.

It was the movies that paved the way for her to work in a movie theater for more than 20 years. Even when I was still a toddler, auntie Sider was already working as a portera at Emelic theater in Batangas. Everyday, she would tear movie tickets after movie patrons bought it from the takilyera. Quite an easy job, one might say, but auntie Sider said it wasn’t so. She constantly watched for people who wanted to sneak inside the movie house without paying for the tickets. And she caught quite a few. “Pinipitcherahan ko sila. Wala akong pakialam kung lasing.” When she went home every night, she carried an umbrella with abalisong knife inserted inside its folds. Just in case, she would be attacked, she said she was always prepared to fight. “Iniisip ko, lapit kayong mga linsyak kayo at pag di ko pinaglalaslas ang mga pakana nyo!”

It was during her Emelic days when she forged friendships and found a regular barkada. There was Delia, her best friend, who later married Rudy, the jeweler. There was Gloria, another married woman, whose husband was a war veteran. Other middle-aged members of the group were Aurea, Lydia, Belen, Naty. There were some men in the group whose names I can’t remember anymore. This group often went out to drink, attended fiesta celebrations in different towns, and even watched x-rated films. “Fighting fish ang pinapanood noon nina Gloria. Tinatawag nila ako. Manood ka na, Sider. Pero ayoko. Nasa labas la-ang ako. Sabi ko, kayo na la-ang at may mga asawa naman kayo. Pero `yang si Delia, nagkaka-dalagang tao `yan noon, nanood. Napaka-hayop. Kaya hayun, nag-asawa.”

Auntie Sider’s boss at the Emelic theater was a woman called Mary. She was the theater manager, and by my auntie’s recollection, also had the temper of a tigress. “Pero di sya umubra sa akin kahit pa sabihing mataray sya. Minsan nga, pinalabas ko `yan ng opisina. Sinigawan ko. Basta ako nasa katuwiran, di ako natatakot, kahit mawalan ako ng trabaho at makarating pa kay Mrs. Rodriguez.” Mrs. Rodriguez, a woman of Spanish descent, was the theater owner.

In 1972, a few months before Ferdinand Marcos declared Martial Law, Auntie Sider went to the United States at the invitation of her youngest brother, Danny. She stayed there for six months in Milpitas, California and went sight-seeing, shopping and eating. She savored the taste of American life. It was I think the most relaxing moments of her life, for many years after she returned, she still kept on narrating her U.S. trip like a broken record. She did love it there. As a matter of fact, she gained a lot of weight from eating ice cream and milkshakes. Still, “there is no place like home,” she quips.

When she came back to her life in Emelic theater, auntie Sider was treated like a movie star. Everyone called her “stateside.” Her skin glowed, she gained weight, and looked very much rested. “Hindi makapaniwala ang mga kaibigan ko na ang porterang ito ay makakarating ng Amerika.” She was very proud of such an achievement that I remember every time we had a visitor in the house, she would always insert her U.S. trip into the conversation. “Noong nasa Amerika ako, panay ang pakain ng ice cream sa akin ni Danny. Ika ko, ay busog na busog na naman ako Danny. Pero magagalit si Danny. Basta kumain ka Ate!”

Two years later, in 1974, Auntie Sider’s eldest sister, Goring , succumbed to cancer of the throat and lungs. She, too, was unmarried. From the beginning to the end of her sickness, it was Auntie Sider who took care of her. They took the public bus and went to Manila, checked into a hospital and there, under medical supervision, fed her, gave her sponge baths, took her to the bathroom, gave in to her requests. Everyday, Auntie Sider saw how her sister’s health deteriorated. She got scared, but toughened herself. “Umiiyak ako noong mag-isa sa banyo, ” she told us right after Mama Goring’s funeral, “hindi ko pinapakita sa Ate na natatakot at naaawa ako sa kanyaAyaw ko siyang panghinaan ng loob.””

For Auntie Sider, life went back to Emelic theater after Mama Goring died. I never really saw her mourn for a long time. She bounced back into the groove easily. She got up before sunrise, sang in the shower, went to work before eight in the morning, and came in the evening with the latest in showbiz gossips. For years, that routine never seemed to end.

But not for long. Several years later, Auntie Sider resigned from her job and Mrs. Rodriguez lost a legal case to have the theater continue its operations. The Emelic theater barkada still saw each other from time to time but after a few years, they completely lost touch with one another. Oftentimes, when I would accompany my auntie in shopping malls, she would start looking for faces of her barkada among the flock of busy shoppers. “Hindi ko man lamang makabangga dine sina Delia at Gloria. Nakaka-sura.”

Post Emelic life meant staying and working in the house. For years, she would wake up before sunrise and cook breakfast for all of us. When I was a child, it was she who bathed me everyday. And then, she would go through the motions: washing and ironing our clothes, going to the market, cleaning the house, cooking lunch, washing the dishes and preparing dinner. Her forms of rest were watching television, reading the newspapers and listening to the radio. Sometimes she complained about the monotony of her life, but she still did her daily chores as perfectly as she could. I remember her gastronomical delights — that Chinese dish, pork “humba,” with “tahore,” the “chopsuey,” “paksiw,” “tapa,” “sinaing na tulingan,” “giniling,” etc. Such dishes peppered our Sunday lunches and dinners. They were all small meals, but to me, they were like Bacchanalian feasts — delectable, redolent and ambrosial.

Another funny story happened when she underwent appendectomy at the St. Patrick’s hospital. Instead of getting worried about going under the knife, what concerned her was the thought that she would be shaved down there. “Naku, ineng,” she told the nurse who already held the sharp razor, “ako’y hiyang-hiya sa iyo. Itong pinagkatago tago kong pakana na iningatan kong walang makakita sa matagal ng panahon ay makikita ninyo.” The nurses were all giggling. “Hayaan na ho ninyo, they all assured her, “pareho naman ho tayong babae.” For many months, she also got worried at the thought that the male doctors who formed part of the operation team, saw her prized “treasure.” “Bistado na ako ni Dr. Pastor,” she said. Linsyak na iyan. Pabayaan ko na.”

When she is in a good mood, Auntie Sider would sing and dance even if there were people watching. Sometimes, when we have informal parties in our house, she would even dress up and spray perfume before she would dance. “Mukha akong alila pag narito sa bahay, pero pag labas ko naman ay sinisigurado kong isputing ako, she would often say. “Isputing,” to her, meant wearing her Sunday’s best — jeans, t-shirt, sandals and a face made up — complete with lipstick, powder and eyebrow pencil. Why don’t you try putting on rouge? I would often joke her. And her answer was also a standard one: “Hindi na….bagay lamang `yan sa mga mayayamang artista.”

It was from her that I learned old “deep” Filipino and Batangueño words — words, which I don’t hear spoken anymore today. For example, she would call a loose, flirtatious woman “pandit,” “pulandit” and “maluwag ang sihang.” Cleavage, she would call “lukan,” while a tough killer, she would term as “tiribut.” When a woman loses her virginity, she would say, “butas-te na ang babaeng `yan,” while people with bladder problems who pee in their pants she would say, “maluwag ang kanyang roskas,” which means his/her “screw” is already loose. As a communicator and researcher, I found those words fascinating for they are indigenous and endangered. As a matter of fact, I told my colleagues in media one time that I’m going to make a collection of my auntie’s private lexicon. It’s a project, which until now, I have yet to start.

Although she is an Aglipayan, auntie Sider does not regularly go to church because she said she feels like she’s committing a sin whenever she would see people she doesn’t like. “Mas nagkakasala la-ang ako pag nakakakita ako ng mga butas na medyas, batang iyak ng iyak, mag-nobyo na lambutsingan ng lambutsinagn. Putang inang `yan.” She said she would rather pray in private.

At 83, going on 84, auntie Sider is still as active as ever. Except for an arthritis problem, which attacks her joints during cold weather, and her weak left lung, which gives her occasional coughs, she is still strong compared to other women half her age. She never had weight problems, and would still drink coffee everyday, eat meat and all fattening foods with gusto, and at times, even drink beer with the boys. She knows the latest movie stars and watches television as if she were an annotator. “Putang ina mo, sampalin mo!” she would shout at the TV screen every time she would see Judy Ann Santos being maltreated by the contrabida in her favorite TV soap opera. Kung sa akin lamang nagtama `yon ay pag di ko iningudngod sa sahig ang hayop na `yan– ay sabihin mong sinungaling ako.”

Perhaps what contributes to her longevity is the fact that she does not really have an emotional baggage. She says everything that bothers her without using any forms of “filters.” She could tell nephews and nieces ugly things about their lives and make them stand there like wet cats as they quietly reflect on their mistakes. Her words could both hurt and heal. And while we would not always necessarily agree with the wisdom of what she says, we always leave our house with the astounding impact of her own little sermons resounding in our heads.

Auntie Sider was never married, but she never felt alone. For she touched our lives in her own unique way and showered our family with love like no one else did. Her zest for life, faith, fortitude and ambivalence continue to mesmerize and inspire us as we face the slings and arrows of life every day.

I ardently love our undisputed “Taray Queen” more than she will ever know.

P.S. Three years after I wrote this essay, my Auntie passed away. It took me a long time before I became my old, funny self again.

 

Nai-post sa English Entries, Humor, Personalities | 3 mga puna

Cres-Art

Bibihirang Pinoy na naninirahan, nag-aaral o nagtatrabaho sa Taipei ang hindi nakakaalam kung nasaan ang “Cres-Art Philippine Cuisine,” ang mala-carinderia na Pinoy restaurant na nasa 29 Zhongshan North Road Section 3. At lalong bibihirang Pinoy ang hindi nakakakilala kay Aling Imelda Ching, ang masiglahing may-ari ng restaurant na mahilig mag-multi-task. Babatiin ka niya habang sumasandok siya ng ulam para sa isang nagmamadaling customer.  Bigla siya ngayong mag-shi-shift sa Mandarin at may iuutos sa kanyang dalagang anak na half-Pinoy, half-Taiwanese. Kukunin naman niya ngayon ang kanyang cellphone at may kakausapin siyang isang Taiwanese na taxi driver. Halos sabay niyang i-t-translate ang sinasabi ng kanyang kausap  sa isa pang nakatayong customer na diumano’y papunta raw ospital. Sabay-sabay itong ginagawa ni Aling Imelda, pero magkakaroon pa rin siya ng oras para pansinin at batiin ang isa pang kapapasok lang na customer. “Uy, ang tagal mo nang hindi napapasyal dito, ha. Kain ka? Bagong luto ang munggo!”

Taong 1996 pa raw ng itayo ang Cres-Art, ang restaurant na pinangalanan galing  sa pinagsamang pangalan ng mga magulang ni Aling Imelda–Cresencia at Arturo. Year 2000 daw nang ito ay nag-operate sa Zhongshan North road, ang tinaguriang “Little Manila” ng Taipei. Tubong Pasay city si Aling Imelda pero nanirahan na siya rito sa Taipei nang makapag-asawa siya ng isang Taiwanese. Sa tulong ng isa pa niyang kapatid, nagsimula silang magtayo ng isang gift shop pero sa restaurant business sila napunta.

Pagpasok mo pa lang sa  Cres-Art, alam mo ng Pinoy ang may-ari nito. Tatambad agad sa harap ng mga nakahilerang relyeno, bistek, sinigang, bopis at dinuguan ang may tatlong maliliit na estatwa ng Santo Nino na may naka-kuwintas na tuyong  everlasting flowers. Mayroon ding isang maliit na estatwa ng Mahal na Birhen, kung saan sa may kisame ay mayroon namang nakasabit na kumukuti-kutitap na Christmas lights, na hindi na tinatanggal all-year round. Sa kanang bahagi ng restaurant ay may isang malaking lumang mural painting ng parang isang French street cafe noong 18th century. Sa tabi nito ay isang lumang TV set, kung saan pa-minsan-minsan ay makakarinig kayo ng mga kumakanta at bumibirit sa karaoke–mga makabagbag damdaming ballads nina Jessa, Lani at Regine o kaya’y novelty songs nina April Boy at Yoyoy. Pag narining mo na ito, para kang automatic  na ma-t-transport sa isang carinderia sa Malibay, Tayuman o Sampaloc.

Hindi masasabing mura ang pagkain sa Cres-Art. Ang dinuguan, bopis, sinigang, kaldereta, ginataan, binagoongan, adobo, pinakbet at kung ano-ano pang ulam ay nagkakahalaga ng NT$60 hanggang NT$80 o Php88 hanggang Php117. Samahan pa ng mainit na kanin, malamig na softdrink, juice at panghimagas na turon, papalo na sa Php200-Php250 ang isang kainan sa restaurant ni Aling Imelda. Pero para sa isang Pinoy na na-h-homesick, ano nga ba naman ang Php250 kung matitikman at malalasahan mo ulit ang sarap ng lechong kawali na isinawsaw sa sarsang Mang Tomas o ang inihaw na liempo na sinawsaw sa toyo at kalamnsi o kaya’y suka at pinitpit na sili . Pag sinuswerte ka, makakasagap ka pa ng mga balita sa Pinas buhat sa mga Pinoy na kauuwi lang habang hinhintay mo ang halo-halong may langka at ube.

Halos katabi lang ng St. Christopher Catholic church ang Cres-Art kaya kapag Sabado at Linggo, punong-puno ito ng mga kabayan na pumipila para tikman ang luto ni Aling Imelda. Sa mga araw na ito, mistulang all-around cook, server at entertainer ang negosyanteng Fil-Chi na walang patid sa pag-estima ng kanyang mga customer. Minsan ay kakaraghin nya pa at lalaruin ang mga batang tangay-tangay ng mga customer na galing pa raw sa kung saan-saang sulok ng Taipei. Minsan naman ay narinig kong pinupuri siya ng grupo ng mga babaeng  kasisimba lang. “Aling Imelda, parang kapatid mo lang ang mga dalaga mo!” Mahihiyaw naman sa tuwa at hahalakhak ang masayahing may-ari ng Cres Art. “Naku, bigyan ng discount yan. Wag nyo ng bayaran ang turon!”

Di iisa o dalawang beses, narinig ko na yun sa mga Pinoy na ka-ut-utang dila ni Aling Imelda. “Pag andito ka sa Cres-Art, parang di ka rin umalis ng Pilipinas.”

Photo courtesy of Google images

Nai-post sa Food, Taiwan Life, Uncategorized | Mag-iwan ng puna

Holy Week Thoughts

Pampito ko na itong Holy Week na wala sa Pilipinas at di ko pa rin masasabing sanay na ako. Kanina lang ay ka-chat ko ang kaibigan kong si Jean at sinasabi ko sa kanyang miss ko na ang aming mga paglalagalag kapag Holy Week. For two consecutive years, siya ang sparring partner ko sa pag-bisita Iglesia at pagdarasal ng station of the cross sa Baguio. Siya rin ang kasama kong nanood ng Moriones festival at lumangoy sa Cawa-Cawa river at sa maraming dagat sa Mindoro.

Kanina sa bus, habang hinihintay kong mag-green ang traffic light sa kanto ng Heping East at Anhe roads, di ko napigilang mag-senti mode. Naisip ko kasi na Miyerkules Santo ngayon at bigla kong naalala ang mga Holy Week rituals ng aking kabataan. Ang pagbabasa ng Pasyon sa bahay ng lola ko, ang panonood namin ng mga nag-pe-penintensya, ang mahahabang prusisyon ng mga taong umuusal ng mga memoryadong dasal. Kahit nga yung hapdi ng sikat ng araw sa aking balat at pananabik ng lalamunan kong makainom ng tubig na puno ng yelo–naalala ko silang lahat.

Sa Maynila, ang aking mga ala-ala ng Semana Santa ay nakapako sa walang kamatayang panonood ng mga religious movies at documentaries na paulit-ulit na pinapalabas sa TV. May isa ring Holy Week na na-engganyo akong umattend ng isang retreat pero nakatulog ako sa gitna ng mga meditation exercises at natakot sa masungit naming retreat master nang paulit-ulit nyang isinigaw with conviction na masusunog daw kaming lahat sa impyerno dahil wala siyang napilit mag-confess. Ako pa ang napag-tripan niyang gumawa ng public confession. Hindi ko siya sinunod dahil labag sa loob kong ikwento ang aking pribadong buhay, bagkos ang aking mga kasalanan sa grupo ng mga taong hindi ko naman kakilala. Dahil dun,  di na ulit ako napilit umattend ng kahit na anong retreat.

Pag SemanaSanta, Sarado ang mga department stores simula Huwebes Santo at pwedeng-pwedeng mag-patintero sa EDSA dahil 80% yata ng populasyon sa lungsod ay nasa probinsya. Bihira kong magampanan ang pagsasagawa ng tinatawag na 3Rs–ang Repent, Reflect at Reform na pilit na itinuturo ng mga Katolikong pari dahil malimit akong dalawin ng matinding boredom kapag ganitong panahon.

Salamat sa social media, kahit na walang Holy Week dito sa Taiwan, pakiramdam ko’y nasa Pinas pa rin ako sa kwentuhan at updates ng mga kaibigan. Kahapon hanggang kaninang umaga, sa gitna ng pagkukumustahan at pagbibiruan namin sa email at Facebook, nabalitaan kong dalawa sa aking kasamahan nung college ay namayapa na. Parehong heart attack daw ang kanilang kinamatay at halos kasing edad ko lang sila. “Ang aga nilang ni-roll call,” biro ng isa kong kaibigan.

“Di mo talaga masabi ang buhay,” sagot naman nung isa. “Ka-ka tense. Parang generation na natin ang tinatawag sa taas.”

Paulit-ulit, binasa ko ang mga tributes at mga mensahe ng pakikiramay sa aking dalawang kaibigang namayapa at parang may bumbilyang sumindi sa utak ko. Kumbaga sa comic strip, mistula siyang thought balloon. Ang nakalagay doon: “How would you like to be remembered?” Na-share ko ito sa ka-chat ko kanina. Binalik niya sa akin ang tanong.

Hindi ko agad ito masagot. “Ang wish ko lang,”  sabi ko, “sana pag wala na ako maaalaala ako with fondness. Hindi yung may pait at pagmumura.”

“Ang seryoso naman!” sagot niya. “Hindi ka pa matitigok. Bad grass never dies.”

Natawa ako. Tapos ay napaisip at binalot ng kung anong lungkot.

 

 

Nai-post sa Memories of Home, Reflections, Uncategorized | Mag-iwan ng puna

Kung Mangarap Ka’t Magising

Pag tinatanong ako ng aking mga kaibigan kung ano ang aking all-time favorite Pinoy romantic movie, iisa lang ang sinasagot ko: ang  “Kung Mangarap Ka’t Magising,” ang classic na 1977 film ni Mike de Leon.  Hindi ko ito napanood sa sinehan. Minsan ko itong naabutan sa Cinema One nung nasa Pinas pa ako. Hanggang ngayon, paulit-ulit kong pinapanood ang putol-putol na bahagi nito sa YouTube. Walang heavy drama sa pelikula. Light lang  at napaka-ordinaryong kuwento ito tungkol sa isang music minded at may pagka-rebeldeng biology college student na na-in-love sa isang maganda nguni’t may asawang babae.

Pero bakit ganun na lang ang appeal sa akin ng nasabing pelikula? Tatlong bagay yan. Una, bida rito ang paborito kong si Hilda Koronel na noong 1977 ay nasa kasagsagan ng kanyang kagandahan. Hanggang ngayon ay paulit-ulit kong ni-re-replay ang mga portions ng pelikula kung saan kino-close up ang napaka maamong mukha ni Hilda at hindi ko ito pinagsasawaan. Sabi ko nga sa isang kaibigan, she was at her loveliest in this movie.

Pangalawa, na-capture din at its loveliest ang Baguio city–ang setting ng pelikulang ito. Yung Baguio nung hindi pa ito congested, ma-traffic, ma-usok at magulo. Sa “Kung Mangarap Ka’t Magising,” ipinakita ang Baguio noong 1970s:  sariwa, luntian at malinis.  At sa mahusay na cinematography nina Francis Escoler at Mike de Leon, parang naging third most important character ang setting ng pelikula bukod sa mga major lead stars na sina Hilda Koronel at Christopher de Leon.

Pangatlo, ang napakaganda at timeless na original music nina Jun Latonio, Nonong Buencamino at Joseph Olfinido ay tumulong din ng malaki sa pagtaas ng emotional arc ng pelikulang ito. Ang “Umaga na Naman” na kilala rin sa title na “Joey’s Theme” ay isa na ngayong classic love song na kamakailan lang ay ni-revive at binigyan ng bagong  buhay ni Noel Cabangon. Komposisyon ito nina Jun Latonio at Joseph Olfinido.

Ang kombinasyon ng mga elementong ito ang masasabi kong nakapagpanalo sa pelikulang ito. Sa kabila ng marami pang naglabasang mas magaganda pang Pinoy romantic movies through the years, hindi ko pa rin ipagpapalit at pagsasawaan ang “Kung Mangarap Ka’t Magising.”

Klasik ito sa aking personal na libro.

 

Nai-post sa Entertainment, Memories of Home, Movies | Mag-iwan ng puna

Feel Good

Dahil sa nakikpagtunggali ako noong isang linggo sa pabago-bagong timpla ng aking mood, napagpasyahan kong manood ng sine pero sinigurado kong hindi ako lalabas ng sinehan ng malungot, inis at takot. Gusto ko nakangiti ako. Kaya sinuyod ko ang listahan ng mga palabas sa mga sinehan dito sa Taipei at inalam ang kanilang mga ratings sa “Rotten Tomatoes” at “Imdb.” Nagbasa-basa rin ako ng mga review sa New York Times at Chicago Tribune. Matapos ko itong gawin, magkasunod kong pinanood ang dalawang pelikula na nakapagpangiti sa akin kasi feel-good ang mga ito. Sa paglabas ko sa sinehan,  hindi  naman ako napabulalas ng “wow” at “hanep” pero masaya naman akong naglakad pauwi.

Una kong pinanood ang “One Chance,” ang pelikulang dinirek ni David Frankel (“The Devil Wears Prada”) base sa screenplay ni Justin Zackham. Unang ipinalabas sa Republic of Ireland at United Kingdom noong October 25, 2013, ang nasabing pelikula ay kuwento tungkol sa buhay ni Paul Potts, ang popular na winner ng “Britain’s Got Talent” contest noong 2007 na mahusay na binigyang buhay ng English film actor na si James Corden. Ipinakita sa buong pelikula kung paano na-bully si Paul Potts ng kanyang mga schoolmates mula pagkabata hanggang sa kanyang pagtanda at kung paano niya ito nalabanan. Tinalakay din ang kanyang pagkahumaling sa opera at classical music at ang kanyang naiibang love story sa kanyang girlfriend na kinalauan ay naging asawang si Julie-Ann Cooper (Alexandra Roach).  Bagama’t alam naman nating lahat na nagwagi nga si Paul Potts, may mga detalye sa kanyang talambuhay na hindi pa gaanong alam ng publiko. Bakit siya bungi? Paano siya na-traumatize nung mag-audition siya kay Luciano Pavarotti? Bakit tuwang-tuwa siyang magpunta sa Venice? Sa pangkalahatan, minsan pang pinatunayan sa pelikulang ito na magiging tunay na masaya lang tayo kung susundi natin ang ating mga passions sa buhay kahit na tabunan pa tayo ng maraming balakid.

Samantala, ang “Labor Day” naman na dinirek ni Jason Reitman at pinagbidahan nina Josh Brolin, Gattlin Griffith at Kate Winslet ay isang love story hango sa nobela ni Joyce Maynard na may ganoon ding pamagat.  May pagka-predictable ang plot ng pelikula at di lang minsan, ako, bilang manonood ay napasabi ng, “pwede bang mangyari yun?” sa ilang bahagi ng pelikula. Pero bumawi naman ito sa husay nang pagganap ng mga artista lalo na ang napakatahimik pero makapangyarihang portrayal ni Kate Winslet bilang si Adele, ang malungkot na divorcee at single parent na nai-in-love kay Frank (Josh Brolin), isang takas sa blinagguan na nagatago sa kanyang bahay. Pero imbes na matakot at maging suspense ang pelikula, nagkahulihan sila ng loob, nag-bonding at, kasama ang binatilyong anak ni Kate Winslet ay sabay-sabay pang nag-bake ng peach pie. Sa puntong yun, naintindihan ko kung bakit hindi mataas ang naging rating na nasabing pelikula sa “Rotten Tomatoes.”

Sa kabila ng lahat ng ito, nag-enjoy pa rin akong manood ng “Labor Day” dahil kahit na may pagka-implausible ang kanyang plot, na-i-dramatize pa rin ng mahusay ang mga pahapyaw na komentaryo tungkol sa pagbabago at pag-asa. Natupad pa rin ang aking objective kasi lumabas ako ng sinehan ng hindi disappointed, bagkus, feel-good nga.

Nai-post sa Entertainment, Movies, Taiwan Life | Mag-iwan ng puna

Student Power

Ika-walong araw na ngayon simula nang magsimulang mag-protesta ang mga estudyanteng Taiwanese sa loob mismo ng debating chamber ng kanilang Legislative Yuan, o Taiwan Parliament laban sa kontrobersial na cross-strait trade policy pact na namamagitan sa bansang Taiwan at Mainland China. Sinasabi ng mga student protesters at ng kanilang mga dumaraming supporters  na lalo raw magiging banta sa kasarinlan ng bansang Taiwan ang pagpapatupad sa nasabing cross trade pact. Habang tumatagal ay tila lalong nagiging astig ang mga estudyante. Noong 5:45pm nung araw ng linggo, naging violent at madugo na ang sitwasyon nang pinuwersa na ng mga pulis na umalis ang mga student protesters. Gumamit na sila ng mga water canons at mga batuta at marami na ang mga nasaktan at nadala sa ospital. Parang eksena sa Mendiola at Malacanang nung kasagsagan ng student activism nung 1970s.

Di naman natinag ang mga estudyante. Patuloy silang dumadagsa at nag-re-relyebo sa pagmamanman. Hanggang ngayon, nandoon pa rin sila sa Parliament building–taas kamao, manaka-nakang sumisigaw, kumakanta ng mga protest songs, nagwawagayway ng mga fresh at artificial sunflowers bilang sagisag ng kanilang pagtutol sa sinasabi nilang “9% President” (nine percent lang daw kasi ang popularity rating ng kanilang Pangulong si Ma Ying-jeou).

Hati ang opinyon ng mga Taiwanese sa isyung ito. May nagsasabing katulad ng lahat ng mga economic trade pacts, ang pagpapalitan ng mga produkto ng kahit na anong bansa ay magdudulot ng malaking kaunlaran sa kanilang  ekonomiya. Sabi ng ilang mga eksperto, kapag natuloy raw ang cross-strait relations, ma-be-benepisyuhan  nito ang 90% ng mga local na komapanya sa Taiwan samantalang ang natitirang 10% naman ay mapipilitan daw mag-upgrade ng kanilang produkto para sila maging competitive. Karamihan sa mga nagsasabi nito ay kabilang sa  Kuomintang (KMT), ang ruling political party ni president Ma.

Kung tatanungin mo naman ang mga ka-alyado ng oposisyon, ang Democratic Progressive Party o DPP, nakabaling daw diumano ang nasabing trade pact sa panig ng China. Unang-una na nga raw ang nasabing trade deal ay nabuo ng wala man lang konsultasyon sa publiko, at kung maisakatuparan ay magiging banta sa kanilang national security . Dahil dito, tatlo ang demands ng mga student protesters: 1) Kailangan daw humingi ng public apology si President Ma dahil sa hindi magandang paraan na ginawa niya na pagtulak  para mabuksan ang usapan tungkol sa cross-strait policy; 2) Ang pagpapakita sa publiko ng kanilang Parliamentary Speaker na si Wang Jin Pyung (“his pay of respect,” ayon sa “The Economist” magazine); at 3) ang pagpapasa ng legislasyon para ma-i-institutionalize ang karapatan ng parliament na suriin ang nasabing cross-strait pact “item-by-item.”

Kagabi, habang nag-w-workout ako sa gym, tinanong ko ang ilang mga foreigners at Taiwanese kung ano ang opinyon nila sa mga kaganapang ito at marami sa kanila ay nagsasabing normal lang daw ito sa kahit na anong malayang bansa. May nagsabing ito na raw ang simula ng pagbagsak ng gobyerno ni President Ma. May nagsasabi naman na kailangan niyang laruin ng mahusay ang kanyang mga natitirang baraha kung gusto pa niyang magtagal sa kapangyarihan.  May nagsasabi namang binabayaran lang daw ng DPP ang mga estudyante para manggulo. Pero marami rin ang ngumiti lang at nagsabing wala raw silang pakialam. “We’re not affected so what else can we say except we hope things get better,” sabi nung isang expat na katabi kong tumatakbo sa treadmill.

Kanina, naka-headline sa mga dyaryo rito na nakahanda na raw si President Ma na harapin ang mga astig na estudyante. Mukhang magiging matagal pa bago magkaroon ng maayos na kahihinatnan ang usapang ito.

Photo courtesy of Reuters and Taipei Times

 

Nai-post sa Events, Taiwan Life | Mag-iwan ng puna

Sugar and Salt

Sa feature article na pinamagatang “Sweet Sacrifice” na sinulat ni Alexandria Sifferlin  sa huling issue ng TIME Magazine (March 24, 2014) inilahathala ang bagong guidelines ng World Health Organization (WHO) tungkol sa daily recommended sugar intake. At hindi ito nakakatuwa: “Only 5% of a person’s total daily calories should come from added sugar.” Para mas maunawaan daw natin ng mabuti, sinabi sa artikulo na sa 2,000 calories na ating na-co-consume, 26 grams lang ng added sugar ang ating dapat ma-intake o ipasok sa ating katawan. Gaano ba karami ang 26 grams?

Ito ang ibinigay na mga halimabawa para maging batayan natin ang dami ng asukal na pwede nating ipasok sa ating katawan: isang delata ng tomato soup (gaya ng Campbells) ay mayroong 30 grams of sugar; isang blueberry muffin, 22 grams; isang serving ng orange chicken, 22 grams, 10 thin mints, 26 grams; 1 cup of pasta sauce, 20 grams; 1 cup of coleslaw salad; 23 grams.

Ang nasabing recommendation ay batay sa mga pag-aaral ng mga experts sa Amerika na nagpapatunay na ang patuloy na paglala ng obesity, tooth decay at sakit sa puso ay lahat nakaugat sa mataas na consumption ng asukal. Sa katunayan, ang isa raw kutsara ng ketchup ay mayroon ng 4 grams ng asukal at ang isang buong frozen pizza ay mayroon na agad 26 grams of sugar. Marami ang nagsasabing hindi makatarungan at makatotohanan ang rekomendasyong ito, pero ano’t-anuman, ang pinupunterya ng mga eksperto ay obvious: bawasan natin ang ating sugar consumption. Tapos na ang maliligayang araw ng pag-awit ni Mary Poppins ng “just a spoonful of sugar makes the medicine go down” dahil delikado na ngayon ang kumain at lumaklak ng mga matatamis na pagkain at inumin. Mas lalo na raw yung mga processed foods gaya ng de lata at softdrink. Dapat nga raw ay magbago na ang ating mga taste preferences, lalo na nga doon sa mga taong tinatawag nating may sweet tooth.

Sabi ko nga sa isang kaibigan habang nakapila kami sa isang canteen:  Iniisip ko pa lang ay nahihilo na ako kung ano na lang ang natitira kong pwedeng kainin. Dahil hindi naman ako gaanong mahilig sa matamis. Mas mahilig ako sa maalat.

Nanalaki ang mata ng kaibigan ko. “Patay kang bata ka. Mas delikado ang maalat!”

Yun na nga, sabi ko.

“So ano na lang ang kakainin natin? Hindi mo ba nabasa ang menu?”

Nabasa, malungkot kong sagot. Puro matatamis at maaalat. Kung susundin ko ang recommendation ng WHO, tubig na lang ang maiinom ko.

“E ni hindi nga yata filtered water ang sinisilbi dito.”

Pwes, tara ng umuwi. Magluluto na lang ako ng bulanglang na gulay.

Natawa ang kaibigan ko, lalo na ng sabihin kong. Palagay ko, hindi ako sa sakit mamamatay kundi sa sama ng loob.

Nai-post sa Food, Health | Mag-iwan ng puna