Solong Buhay

May isang insidente na pilit na pumapasok sa malikot kong utak habang binabasa ko ang dalawang bestseller books ni Noreen Capili, a.k.a. Noringai. Ito ang karugtong ng kuwento ko tungkol kay Aling Meding, ang manghuhula sa Quiapo na nakilala ko noong ako ay nasa Pinas pa at sinulat ko dito sa aking blog noong November 5, 2011.

Ang totoo nun, may in-omit akong detalye tungkol sa pagpapahula ko kay Aling Meding. Ngayon ko lang ikukuwento.

Bago ako nagpaalam sa mabait na manghuhula, tinanong ko siya: Makakapag-asawa pa ho ba ako?

Tumingin si Aling Meding sa mga tarot cards na aking napili. Parang wala siyang mabasa. Kinuha niya ulit ang aking kanang kamay, sabay tingin sa akin. Tapos ay saka siya nagsalita.

“Ayaw mo naman kasi. Hindi ka talaga makakapag-asawa kung ayaw mo.”

Natawa ako at slightly napahiya dahil para akong natangahan sa aking sarili. Bakit ko ba naman itinanong pa yun?

Pumasok ito sa aking isip habang binabasa ko ang “Parang Kayo Pero Hindi” at ang “Buti Pa ang Roma May Bagong Papa,” ang dalawang certified hits na libro ni Noringai, ang TV writer at blogger na nagsulat tungkol sa buhay ng mga single, or gaya nga ng description sa blurb ng kanyang libro, yung mga “….Alone. Soloista. Lonely. Tigang. Sawi. NBSB. Searching. Waiting. Hoping.” I belong to the category of those alone and soloista pero parang hindi ko ma-categorize ang sarili ko na lonely, tigang at sawi. True, I may have had my share of lonely days, tigang moments and sawi episodes, pero mabilis ko silang naitatapon sa bintana at nawawalis sa aking sistema. Hindi ko rin masasabing NBSB (No Boyfriend or Girfriend Since birth) ako dahil bumilang din naman ang aking mga naka relasyon. I have also stopped searching and waiting because I am contended with being alone.

Nang mapagdesisyuynan ko  kasing  maging solo habang buhay, pinanindigan ko na rin na come what may, against all odds, come hell or high water, I will try my best to be happy. Na hindi ko i-e-equate ang pagkakaroon ng katambal sa buhay sa pagiging masaya, at hindi ko kailangang sabihin ang linyang binitawan ni Renee Zellweger sa Jerry Maguire na “You complete me,” dahil by my lonesome, I am already complete.

Yung last category na “hoping,” kasama ako dyan. Dahil tama si Noreen. Sa page 89 ng “Parang Kayo Pero Hindi” na pinamagatan niyang “Ano’ng Meron ang Taong Happy?” Sinabi niyang ang sagot daw ay hope, o pag-asa. In her own words: “Bigyan mo ng hope ang isang tao, at enough na yun para sumaya siya. Kahit panandalian, kahit konti lang.”

May mga areas about single life na hindi ako gaanong naka relate, the way Noringai writes about it in her two books pero overall, madaling masakyan ang kanyang mga nakaka-aliw na kuwento. Ito ay dahil sa wala siyang pretensions. Wala siyang ilusyong maging profound at i-intellectualize ang buhay ng mga taong nag-iisa. Nilalahad lang niya ang karanasan ng mga taong gaya niya na bagama’t mag-isa ay umaasa, nangangarap at minsa’y natatawa sa kanyang sarili.IMAG0347

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Books, Reflections. Bookmark the permalink.

2 Responses to Solong Buhay

  1. ay nagsasabing:

    You read my mind.