Lemon Garlic Tinapa

Hindi ako gaanong mahilig sa tinapa. Malimit pag isinisilbi ito noon sa bahay tuwing almusal ay kumukurot lang ako ng konti, isinusubo kasama ang mainit na kanin at pagkatapos ay nag m-move on na ako sa iba pang potahe. Pero nang matimkan ko kamakailan  ang lemon garlic tinapa na pasalubong sa akin ng barkada naming si Robin nung bumisita siya  rito sa Taipei nung nakaraang linggo, nag-iba na ang pagtingin ko sa tinapa. No longer is it the lowly smoked fish na iniisnub isnub ko noon dahil nakakatihan ang dila ko sa kanya. Ngayon, bumalimbing na ako dahil kumpara sa paborito ko noong bottled tuyo, nagka-appeal na sa akin itong lemon garlic tinapa. Hindi siya gaanong maalat. Lasang lasa ang nag-aagawang asim ng lemon, katamatamang alat, at ang malakas na flavor ng piniritong bawang na lumalangoy sa olive oil. Wala rin itong tinik at kaliskis kaya swabeng swabe pag sinama sa kanin, tinapay, biscuit, pita bread, pasta, etc.

Hindi ako madaling mag shift ng allegiance sa pagkain dahil kahit itanong nyo pa sa aking mga kaibigan, ever loyal ako sa bottled tuyo at sardinas. Although I must admit, hindi ko na ine-encourage ang mga bumibisita sa aking kaibigan na magdala nito dahil binabawasan ko nga ang aking salt intake. Ewan ko lang kung bakit nung itanong sa akin ni Abby, ang girlfriend ni Robin kung ano raw ang gusto ko from Manila, bigla akong napabulalas: “Nag-c-crave kasi ako sa bottled tuyo–lalo na yung galing sa “The Blue Kitchen!”

Flashback: Fan na ako ng mga produkto ng “The Blue Kitchen” nung araw. Kilala na ako nung nagtitinda sa 5th floor ng Shangri-la Mall nung nagtatrabaho pa ako sa Ortigas. Wala pa noong lemon garlic oil. Bottled tuyo pa lang. Pero noon pa man, nag i-stock up na ako ng mga bottled tuyo dahil pag tag-bagyo at tag-ulan pinakamasarap itong kainin kasama ang itlog, kamatis, hilaw na mangga, mainit na kanin, pandesal, kape o tsokolate.

Mabuti na lang at tig-isang bote lang ang pinasalubong sa akin, dahil kung hindi, bobondat na naman ako at maya’t maya’y magsasaing ng bigas. Now that my craving has been satisfied, sa food memory ng aking utak, minarkahan ko na ang lemon garlic tinapa ng isang malaking tsek, sabay sabit pa ng malaking star.

Kaya sa  mga kaibigan kong Pinoy na nasa abroad, try nyong magbilin ng lemon garlic tinapa sa mga kaibigan at kamag-anak na bibisita sa inyo. Siguraduhing ito ay yung galing sa “The Blue Kitchen.” At siguraduhin nyo na maaga kayong magbilin dahil tumatabo raw sa takilya ang produktong ito. Ubusan daw lagi. Pero worth it naman. Pustahan tayo and mark my word–mapapamura kayo talaga sa sarap!

Thank you Google images for the photo.

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Food, Taiwan Life. Bookmark the permalink.

2 Responses to Lemon Garlic Tinapa

  1. Ena ay nagsasabing:

    what a coincidence! i, too, have a tinapa story and it happened just two days ago. kakahiya nga at now ko lang nalaman na ang smoked mackerel ay – tada – tinapa! e sino ba naman mag-aakala na the “lowly smoked fish” will be offered in the cold cuts section of a buffet breakfast at a five-star hotel?

  2. pinoytaipeiboy ay nagsasabing:

    thank you, ena. i think the lesson there is: wag mamaliitin ang mga dating biabalewalang bagay. minsan, pag na-improve ang producto at na-package ng maganda, tumitiba ito talaga lalo na sa mga dayuhan. 🙂