Matmo Story

Hatinggabi nung opisyal na nag landfall ang bagyong si Matmo sa Taipei city nung Miyerkules, July 22. Bagyong Henry ito sa Pinas na naging si Matmo nung pumasok ito sa Taiwan. Northwestern ang movement ni Matmo–20 kilometers per hour with maximum sustained winds of 155 kilometers per hour, ayon sa ulat ng weatherman sa CNN. Fine, note ko sa sarili, sabay patay ng TV at ilaw, at higa sa kama. Kaso, kahit na antok na ako, hindi ako makatulog sa tindi ng lakas ng hangin. Panay hampas nito sa bintana ng tinitirhan kong apartment at natakot akong baka mabasag ang bubog.

Every 15 minutes, bumabangon ako para tumingin sa labas. Nag-e-expect ako ng brownout pero di ito nangyari. Tinitingnan ko rin kung mawawala ang serbisyo ng aking wifi pero tuloy-tuloy lang ito. At ganun na nga ang aking naging routine hanggang alas singko ng umaga. Bangon, silip sa bintana, bukas ng TV, check ng Facebook, basa ng magazine at libro. Bandang alas tres, di na ako talaga makatulog kaya umupo na ako sa kama at nanood na lang ng sine sa Cinemax. Of all movies, akalain ko ba namang “Ten Commandments” pa ang palabas. At sa lahat ng eksena, yung confrontation pa ni Charlton Heston na gumanap bilang Moses, at Yul Brynner na gumanap bilang Rameses ang naabutan ko. Winawarningan ni Moses si Rameses na kapag di daw pinalaya ang mga Israelites ay lalaganap ang sakuna. Di naman natinag ang Hari ng Egypt hanggang sa sumunod na eksena, umulan na nga ng bato at apoy at namatay ang lahat ng may anak na panganay na lalaki. Langya, sabi ko sa sarili. Parang nananadya ang pelikula. Pinatay ko ang TV.

Kinuha ko na lang ang aking cellphone at ininstagram, sabay post ng mga nakunan kong photos ng bagyo sa labas. Instant ang reaction ng mga kaibigan. “Ingat ka.” “be safe,” “stay warm”–mga salitang nakakagaan at nakakapanatag din ng loob. Dito na ako nakatulog.

San ka pa, nanaginip ako. Bumalik ako sa memories of five or six years ago nung ma-trap ako sa Makati nung kasagsagan ng bagyong Ondoy. Pero hindi linear ang panaginip ko. Parang MTV images na paroo’t-parito. Pasulpot-sulpot. Yung iba, di malinaw. Parang sepia at photoshopped. May nag-na-narrate tungkol sa climate change–very scientific ng paliwanag kaya nakiusap ako kung pwedeng simplehan lang nya ang explanation. “Yung kunyari, grade one ako. Go!” sabi ko. Tapos sabi nung narrator: “basta ang mga bagyo palala ng palala.” Alam ko na yun, sabi ko. Wala na bang iba?

Nag fast forward ang mga images. Ang bilis: Mga batang sugatan sa Gaza; ang nag-crash na Malaysian Airlines sa Ukraine;  space exploration sa Mars; at mga naghihiyawang German champion football players sa World Cup. May isang huling image na off at natawa ako. Kung paano ito napasama sa grupo ng makabuluhang images ay wala akong idea: ang image ng ensaymada post ni Kris Aquino nang ipahamak niya si Ate Vi. Dito ako nagising na humahagikhik.

Langyang ensaymadang yan. Okay na sana!

Tapos ay napatingin ako sa labas. Uy, tahimik at maliwanag na.

Wala na si Matmo.

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Taiwan Life. Bookmark the permalink.

2 Responses to Matmo Story

  1. Jean pacheco ay nagsasabing:

    You are such an excellent storyteller Ronsky! It was a pleasure to read, kahit na tungkol Sa bagyo at nasa bahay ka..hahahah

  2. pinoytaipeiboy ay nagsasabing:

    Hahaha. Maraming salamat, Jeannie! You are truly a friend. May nalimutan akong banggitin sa blog na ito. Habang rumaragasa ang bagyo, panay ang tingin ko sa mga FB pics mo sa Prague at muntik na akong mag hyperventilate sa inggit. Hahaha.